PAGKAIN NGAYONG TAG-ULAN
MGA MASARAP KAININ na MERYENDA NGAYONG TAG-ULAN
1. Champorado at tuyo
2. Mainit na sopas na ang sahog ay manok na hinimay at hiniwa-hiwang hotdog
3. Lugaw na may nilagang itlog at maraming tustadong bawang sa ibabaw tapos may kasamang tokwa’t baboy na nilagyan ng maanghang na suka at toyo na may maraming sibuyas at paminta.
4. Ginatang halo-halo
5. Lomi
6. Bachoy, yung bago ihain sa iyo e bibiyakan ng itlog at lalagyan ng dinurog na chicharon.
7. Mami (mas masarap yung mami na nabibili sa kanto o yung naglalako, dirty mami ika nga ng iba).
8. aroz caldo na ang sahog ay pakpak ng manok tapos maraming tustadong luya, bawang at chicharon. Saka mo pipigaan ng kalamansi.
9. Sotanghon na sopas na pinapula ng atsuete at ang sabaw nito ay galing sa pinakuluan nang matagal na buto ng manok.
10. Miswa na masabaw sinamahan ng giniling na karne ng baboy, atay at lapay na ginisa sa maraming bawang at luya, tapos bubudburan ng maraming bagong-giling na paminta.
wow ginutom ako… kung ako papipiliin dyan sa mga pagkain na yan, ang pipillin ko ay AOTA (All of the Above!) hehehe
PinoyMan - September 9, 2009 at 2:56 pm |
“been there done that” ika nga ng mga ingglesero… kaya nga di na ko makapag costume e… di na rin makalipad! sulit naman… sarap eh!
darnagirl - September 9, 2009 at 3:04 pm |