ONDOY
nuong nakararaang sabado,
panay ang reklamo ko…
kesyo ang lakas ng ulan,
di makapasyal kahit man lang sa mall…
kesyo walang kuryente,
di makapanood ng tv…
kesyo walang internet connection,
di makapag blog o makapag facebook man lang…
kesyo ang dilim, walang ilaw,
di ko mabasa yung tinatapos kong nobela…
kesyo pinasok na kami ng tubig hanggang sakong,
kakainis basa ang paa pag nasa sala,
kakapagod pang itaas mga gamit sa 2nd floor.
maaga tuloy kami natulog.
ayoko nang bumaba sa sala e,
nasa kwarto na lang ako,
nagtiyagang mag paypay
at gumamit ng flash light habang nagbabasa
hanggang antukin.
kinabukasan,
may tubig na kami.
may kuryente na.
may koneksyon na sa cell phone
at sa internet.
saka ko nabalitaan
ang trahedyang dinulot ni ondoy.
bigla akong napaiyak.
nagrereklamo ako kesyo di ako makapasyal,
e yung iba nga ay di makaalis sa bubong ng kanilang bahay.
nagrereklamo ako di ako nakapanood ng tv,
e yung iba nga ay inanod ang kanilang tv,
at ang iba pa nilang gamit sa bahay.
kesyo di ako makapag internet,
e yung iba nga ay hindi man lang
makatawag sa mga kamag-anak
nag-aalala sa kanilang kalagayan.
kesyo nababasa ang paa ko
kasi hanggang sakong ang tubig sa amin.
e yung iba nga hanggang bewang,
hanggang dibdib,
lampas tao pa nga ang baha sa bahay nila.
yung kotse ko ay di inabot ng baha,
samantalang yung iba ay inanod
ng rumaragasang tubig.
mas bago, mas maganda at mas mahal pa sa kotse ko.
kaya ano pa ba ang nirereklamo ko?
samantalang ang iba
ay nawalan ng bahay,
ng mga kasangkapan,
ng kotse,
at maging ang ilan ay nawalan
ng mahal sa buhay…
ano pa ba ang nirereklamo ko?
ngayon ko napagtanto,
na maging mapagpasalamat
sa kung ano ang mero ako ngayon…
at kung anuman ang nawala sa akin,
pasalamat ako at buhay pa ako,
p.s.
para sa mga nasalanta
ng bagyong ondoy,
nakikidalamhati ako sa inyo,
pero tatagan ninyo ang inyong loob,
malalampasan din natin ito.
Loading...
[...] BTW, check out this great post on the storm in Darna Girl’s blog: http://darnagirl.wordpress.com/2009/09/28/ondoy/ [...]
My Two Centavos: “The rain has stopped, the storm has passed…” « a Casual Geek & a Commuter - September 30, 2009 at 4:44 pm