istarbaks

Ano bang meron yang istarbaks na yan? ang haba haba ng pila!
wala pang maupuan!
at ang iingay ng mga katabi…
mga burgis baga!
meron naman, halos sampung oras na yatang sinosolo ang mesa at silya, isang maliit na kape lang naman ang binili!
kagabi, yun lang ang bukas na kainan,
gutom na ang super hero…
hala sige, nakipila na rin ako!
aba’t ano ba itong dinidikit dikit nila?!
aba’y istiker pala para sa kuwaderno, planner pala!
ay pagkaganda!
kaya heto…
nakiki uso na rin ako…
meron na ‘kong planner para sa sususnod na taon…
nakuha ko na kagabi haha!
… sige na nga aaminin ko na!
pangatlong kuwaderno ko na ito…
taon-taon…
lumalaki ang balakang ko
sa dami ng praputsino na naiinom ko…
makakuha lang ng kuwaderno
mula sa sikat na kapihang ito!

Advertisement

2 Responses to “istarbaks”

  1. wala yan sa pila kanina sa midnight sale sa pasig mega market!!!

  2. hahaha!
    ako kuwaderno ang pinilahan…
    ikaw, kurtina naman…
    saksespul naman ba pamimili mo?


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.