MGA SINING

Kamakailan lang, sumakay ako sa LRT.

(Kahit ako si Darna, nagko-commute din ako)

Napansin ko yung mga tula na nakapaskil sa

itaas na bahagi sa gilid ng tren.

Napagwari ko, ba’t ganun,

Sa tren na lang ba natin nilalagay ang mga tula?

Ba’t ganun,

Mga tula ng banyaga ang nakapaskil doon?

(Sabagay, di ko naman nakita lahat ang mga tula,

nandoon lang ako sa tren na pang babae eh)

Ganoon pa man,

Bakit ganun?

Nang mapadpad ako sa Macau,

(Nax yabang noh?)

Pumasyal ako sa isang parke doon,

Camoes Park.

Maluluha ka sa sobrang ganda ng kanilang ginawa!

Sa bandang itaas ng parke ay may mga naglalakihang bato.

Sa malalaking batong ito  ay nakaukit (hindi nakapinta)

ang iba’t ibang tula ni Camoes (at ng iba pang makata)

Dangan nga lamang at di ko maintindihan

Portuguese kasi ang wika e.

Gayun pa man,

Maiinggit ka sa pagpapahalaga nila sa mga alagad ng sining

at sa mga gawa ng mga ito.

Pag pumunta ka naman sa gitnang bahagi ng parke,

Ay may mga tila ginto o brass na mga plates

Na nakaukit naman ang isang sikat na play sa bansang iyon.

Muli, di ko na naman maintindihan, portuguese nga kasi e.

Gayun pa man, napahanga ako sa pagpapahalaga nila sa mga

Taong lumikha ng mga sining na iyon.

Ba’t ganun?

Sa ating bansa, ang daming magagaling na alagad ng sining?

Ba’t di nila pahalagahan ng ganoon?

tsk, tsk, tsk…

Pinagdedebatihan pa si Carlo J.

Di raw sining ang comics!

Kung hindi ito sining, ano ito?!

Sila kaya ang kumatha ng mga karakter sa comics…

Wakasan nga nila ang mahahabang serye ng mga ito

Na hindi maiinip ang mga tagasubaybay…

Tignan ko lang kung hindi maburyong ang mga utak ng mga yan!

Kung nabubuhay lang si Mars Ravelo, tiyak ko

Magrereact yun!

Kung hindi sining ang comics…

Ano ang tawag dito?

2 Responses to “MGA SINING”

  1. Haaay! Nananariwa tuloy sa akin yung mga panahong isa ako sa masugid na nagrerenta ng komiks sa kalapit naming tindahan nung elementary pa ako.

    Ang sarap balikan.

  2. pareho pala tayo… yun nga lang mahal na ang mga gawang-pinoy na mag comics… tulad ng pugad baboy… pero sulit naman!
    mabuhay ang malikhaing komedya ng mga pinoy!


Leave a comment